Mas lalong nagiging kapana-panabik ang mga kaganapan sa loob ng White House, isang taon bago isagawa ang 2020 presidential election.
Inanunsyo ni House Speaker Nancy Pelosi na maglulunsad ang US Congress ng formal impeachment inquiry laban kay US President Donald Trump.
Nakakuha ng botong 169-235 ang House Democrats na karamihan ay suportado na patalsikin sa pwesto ang kasalukuyang pinuno ng America.
Ito ay matapos aminin ni Trump na inutusan niya si Ukraine President Volodymyr Zelensky na magsagawa ng imbestigasyon kay 2020 presidential hopeful at dating bise-presidente ng Joe Biden at anak nito na si Hunter Biden.
Kaugnay ito ng alegasyong nakipag-ugnayan di-umano ang mag-ama sa mga korupt na aktibidad sa Ukraine noong nasa pwesto pa si Biden.
Nakatakda sanang magbigay ng halos $400 million dollars o 21 trillion pesos para palakasin pa umano ang pwersa militar ng bansa.
Ayon kay Pelosi, ang ginawang hakbang na ito ni Trump ay malinaw umano na paglabag ng American president sa US Constitution.
Sa kabila nito, pumayag naman si Trump na ilabas ang transcript ng kontrobersyal na tawag nito sa Ukraine president kung saan nabanggit niya ang pangalan ni Joe Biden.