-- Advertisements --
Malaki ang paniniwala ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na kung talagan gugustuhin ng mga mambabatas ay maaring magpatawag sila ng special session para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi nito na maari nilang hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na repasuhing mabuti ang General Appropriations Act ng national budget.
Sa nasabing paraan ay may tsansa ang mga mambabatas na talakayin ang impeachment case sa loob ng 20 araw.
Subalit aminado nito na mahihirapan din sila dahil sa nakasaad sa batas na dapat mabigyan ng 10 araw ang defense team na ipaliwanag ang kanilang panig.