-- Advertisements --

Umuusad na ang impeachment complaints laban kay South Korean President Yoon Suk Yeol matapos ang pagdeklara nito ng martial law.

Kahit na binawi na ni Yoon ang deklarasyon ay hindi pa rin nagpapigil ang mga mambabatas na nasa oposisyon na ituloy ang pagpapatalsik sa nasabing pangulo.

Mapayapang nabuwag naman ng mga kapulisan ang mga protesters na nagmartsa patungo sa Gwanghwamun sa Seoul kung saan nagsagawa pa ang mga ito ng candle vigil.

Ipinapanawagan ng mga ito kay Yoon na bumaba na siya sa puwesto dahil sa mga kontrobersyang kinakaharap niya lalo na ang kaniyang maybahay.