-- Advertisements --

Maaring simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte pagkatapos ng ikaapat na State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero , na dahil sa hindi ito maihahabol ngayong 19th Congress at kanilang sisimulan na sa 20th Congress.

Dagdag pa nito na marami pang gagawin ang mga senador bago sila makapagsimula at makapag-convene sa impeachment court.

Hindi aniya sapat ang 20 araw kung magkakaroon aniya ng emergency session sila dahil sa maraming mga maaring kadahilanan na kanilang makakaharap.

Kinumpirma rin ni Escudero na lehitimo ang 251 na pirma ng mga mambatas matapos na matanggap ng kanilang opisina ang impeachment complaints mula sa House of Representatives.

Magugunitang nitong Pebrero 5 ng nakakuha ng 215 na pirma mula sa mambabatas mula sa kamara ang ika-apat na impeachment complaints laban kay VP Duterte.

Subalit nag-adjourned na ang Senado ng hindi man lang tinugunan ang impeachment kung saan magbabalik sila sa Hunyo 2.