Naghahanda na ang ilang mambabatas mula sa Democratic Party sa binabalak nilang manghingi ng mga dokumento sa halos 60 katao bilang bahagi sa pag-iimbestiga ng kongreso kay US Presidente Donald Trump.
Ukol ito sa maaaring isasampang kaso laban sa US president kung sakaling mapatunayang sangkot ito sa korupsyon lalo na sa pang-aabuso sa kapangyarihan.
Inamin ni House Judiciary Committee Chairman Jerry Nadler, magiging mahabang proseso ang impeachment.
Gayunpaman kailangan pa ring managot daw ni Trump sa kanyang pagkakasala.
Samantala, inihayag naman ni Trump na inosente siya sa mga akusasyong kanyang kinakaharap at diumano’y pilit lamang siyang inuusig ng mga kalaban sa pulitika.
Kabilang sa patuloy na inuungkat kay Trump ay ang pakikipagsabawatan umano sa Russia noong kasagsagan ng presidential elections. (with report from Bombo Sol Marquez)