-- Advertisements --

Kinumpirma ni House Speaker Nancy Pelosi na inihahanda na ng Democratic-led U.S. House of Representatives ang formal impeachment charges laban kay President Donald Trump.

Nais ng Democrats na maglabas ng mga panibagong saksi at ebidensya na magpapatunay na pinilit ni Trump si Ukraine President Volodymyr Zelensky na imbestigahan si dating US Vice President Joe Biden.

Hindi naman pinayagan ni Senate Majority Leader Mitch McConnell ang ideyang ito. Aniya, nakalikom na umano siya ng sapat na boto mula sa mga Republicans para simulan ang paglilitis kahit hindi na maglabas pa ng mga bagong saksi. Kasama na rito ang dating national security adviser ni Trump na si John Bolton.

Patuloy naman ang pagkumbinsi ng mga Democrats sa ilang Republican senators na payagan silang magharap ng mga bagong saksi.

Inaasahan na tuluyan nang tatanggalin ng senado si Trump sa kaniyang pwesto bago ang 2020 presidential election campaign.