-- Advertisements --

Inilagay sa ibabaw ng kabaong ni Queen Elizabeth II ang Imperial State Crown ng Britanya.

Ang nasabing korona ay siyang sumisimbolo ng makapangyarihan yaman ng mga maharlika at kamaharlikaan ganun din ang pagiging pinakamataas at ito ay pinatanong mula Buckingham Palace at sa Westminster Hall.

Nakalagay ito sa kulay ube na unan kung saan mayroong 2,868 diamonds, 269 perlas, 17 sapphires at 11 emeralds.
Ang main diamond aniya sa harap ng Imperial State Crown ay tinatawag na Cullinan II n asiyang pinakamalaking naminang diamond at nadiskubre sa South Africa noong 1905.

Sinuot ito ni Queen Elizabeth sa kaniyang coronation noong 1953 at ito ay commissioned ng ama ni Queen Elizabeth na si King George VI.

Isinusuot ito ni Queen Elizabeth II sa taunang seremonya at sa pagbubukas ng parliamento at ito ay nakatago kasama ang ilang mga hindi mamahaling crown jewels sa Tower of London.

Ang isa pang royal crown ay ang St. Edwards na ginawa noong 1661 para sa koronasyon ni King Charles II at ito ay gawa sa purong gold.

Aabot sa dalawang kilo ang bigat nito na mas doble ng Imperial State Crown.