-- Advertisements --
Screenshot 2019 04 22 15 19 03
IMAGE | 4Ps, DSWD

Pinaiimbestigahan ng ilang mambabatas sa Senado ang paglakad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kasunod ng mga ulat na ginagamit umano ito ng ilang opisyal ng gobyerno sa katiwalian.

Nagkasundo sina Senate Pres. Tito Sotto, Sen. Panfilo Lacson at Gringo Honasan na manawagan para sa pagsusuri matapos i-ban ng DILG ang mga lokal na opisyal na dumalo sa mga aktibidad ng national government agencies.

Batay sa DILG Memorandum Circular 2019-55, ipinagbawal ni Sec. Eduardo Ano ang naturang hakbang nang makatanggap ng report mula sa DSWD na may ilang pulitiko umano na ginagamit ang mga programa gaya ng 4Ps para maka-impluwensya ng boto para sa halalan.

Halimbawa raw dito ang ilang incumbent officials na sinasabay sa araw ng distribusyon ng Unconditional Cash Transfer ang kanilang political rallies.

“The payouts of the DSWD, among other programs, is apolitical. We cannot and will not tolerate any politician to speak during the release of assistance. The payout cannot be linked to any candidate or political party,” ayon kay DILG spokesperson Usec. Jonathan Malaya.

“The DILG is dismayed that politicians are using the payout to advance their own political ambitions despite appeals from the DSWD not to do so. The UCT is a nationally funded program, therefore LGU officials cannot claim credit for it,” dagdag ng opisyal.

Ayon kay Lacson, panahon na rin para silipin kung ano na ang natamo ng 4Ps mula ng ipatupad ito noong administrasyong Arroyo.

“It’s time to conduct a performance audit or review of the Pantawid program to find out what it has achieved so far,” ani Lacson.

Ito’y matapos mabatid na patuloy na nadagdagan ang alokasyon para sa naturang programa sa nakalipas na mga administrasyon.

Ngayong 2019, ipinako ng mga mambabatas sa P10-milyon ang budget para sa UCT kung saan P4.4-milyon rito ang para sa benepisyaryo ng 4Ps.