-- Advertisements --

Hindi na tuloy ang nakatakdnag implementasyon ng full cashless toll collection sa expressways na magsisimula sana sa March 15.

Ito ang inanunsyo ni bagong Transportation Secretary Vince Dizon na nagbigay na siya ng kautusan sa Toll Regulatory Board para suspendihin ito.

Para kay Dizon hindi pa napapanahong maipatupad ang full cashless toll collection.

Nakita naman anya kung paanong nagkabuhol- buhol ang mga saskayan noong unang sinubukang ipatupad ito.

Inihayag ng kalihim na kakusapin niya muna ang toll operators ng NLEX at SLEX at titingnan kung episyente na ang kanilang sistema.