Nanawagan ang Makabayan bloc sa Kamara na ibasura ang panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa mga estudyanteng nasa Grades 11 at 12.
Ito ay matapos na maipasa kagabi ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8961.
Nababahala sina ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio at France Castro na lalo lamang lumala ang karahasan sa ROTC sa oras na maging ganap na batas ang mandatory implementation nito.
Kaya ngayon pa lamang dapat na harangin na raw ito sa pamamagitan nang pasaalang-alang ng mga dahilan noon kung bakit binuwag ito, dahil na rin sa maraming ulat ng hazing at pang-aabuso sa mga kababaihan.
Para kina Tinio at Castro, malalabag lamang ng pamahalaan ang international rights ng mga kabataan sa ilalim ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.