Sususpindihin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad sa Motorcycle Crime Prevention Act na umani ng kabi-kabilang pagtutol sa ilang mga grupo.
Sa kanyang talumpati sa 25th National Federation of the Motorcycle Clubs of the Philippines (NFMCP) Annual National Convention sa Iloilo Convention Center, lungsod ng Iloilo, sinabi ng Pangulong Duterte na makikipag-usap daw ito sa Land Transportation Office (LTO) at sa may-akda ng batas na si Sen. Richard Gordon ukol sa kanyang mungkahi.
“I will try to convince the LTO to maybe hang onto it, i-suspend ko lang muna, kasi it is not good. It is dangerous to place another gadget, lalo na may kanto ang plate number eh,†wika ni Duterte.
“Lakihan na lang ninyo ang plate number sa likod by one-fourth para makita talaga yung number. Ang importante talaga yung sa likod.â€
Paliwanag ng Pangulo, kanya raw pinirmahan ang nasabing batas sang-ayon sa rekomendasyon sa kanya ng militar at ng pulisya.
Masyado rin umanong mataas ang multang P50,000 at P100,000 para sa mga mahuhuli na walang mas malaking plaka.
“Maybe as compromise, I’m willing P10,000 to P15,000,†anang presidente.
Pero bilang kapalit aniya, ihihirit naman nito na lakihan nang kaunti ang plaka ng motorsiklo sa likurang bahagi nito.
Matatandaang umani ng negatibong reaksyon mula sa mga motorcycle drivers ang naturang batas dahil malalagay umano sila sa panganib dahil dito.