-- Advertisements --
Hermogenes Esperon
NSA Hermogenes Esperon, Jr.

DAGUPAN CITY–-Tuloy na tuloy na ang implementasyon ng Philippine Identification System o PhilSys Act sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr na hanggang matapos ang taon ay masisimulan na ang implementasyon nito sa ilang lugar sa bansa na magsisilbing pilot areas. Humigit kumulang 1 million ang unang batch ng registration process para sa ID System na gagawin sa ilang lugar sa Luzon.

Mayroon na aniyang nabiling biometric capture equipment .

Nabatid na inaasahang sa pagtatapos ng termino ng Pangulo sa 2022 ay nakapagrehistro na ang 107 milyong Pilipino.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RA 11055 o Philippine Identification System noong August 2018.