-- Advertisements --
Palace Malacanang Duterte Covid corona

Tiniyak ng Malacañang na hindi mababahiran ng anumang iregularidad o pang-aabuso ang pagpapatupad ng state of public health emergency dahil sa COVID-19.

Sa harap na rin ito ng itinatakda ng Proclamation No. 922 na hindi na kailangan pang dumaan sa bidding ang pagbili ng anumang gamit na kakailanganin ng pamahalaan para tugunan ang problema sa coronavirus.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi uubra at hindi papahintulutan ni Pangulong Duterte na mahaluan ng anumang katiwalian ang pagpapatupad ng state of public health emergency.

Maliban sa mapapabilis ang procurement process, magpapairal din ng price freeze sa mga kinakailangang produkto na may kinalaman sa pagkontrol sa COVID-19 sa ilalim ng Proclamation 922.

“Sa panahon ng mga nakaraang administrasyon siguro, not in this administration. Alam naman natin si Presidente, ibang klaseng Presidente ito, hindi uubra sa kanya iyong mga ganyan,” ani Sec. Panelo.