-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang pakikipag-uusap at konsultasyon ng mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration sa mga kinatawan ng iba’t-ibang sugar industries.

Kaugnay nito ay pansamantala munang sinuspinde ng ahensya ang implementasyon ng Sugar Order No. 6.

Ang naturang kautusan ay naglalahad sana ng mga alituntunin sa importasyon ng asukal at sweet products.

Sa isang pahayag ay sinabi ni SRA Administrator Pablo Azcona, ang suspensyon ng Sugar Order No. 6 ay dinesisyunan ng SRA Board.

Ito ay bilang tugon sa panawagan at liham ng ibat-ibang stakeholder ng asukal sa bansa.

Dahil dito, nagdesisyon ang SRA Board na magkaroon ng diyalogo sa mga maaapektuhang stakeholder ng asukal sa bansa.