-- Advertisements --

Patuloy pa ring umaarangkada ang implementasyon ng Tara, Basa tutoring program na isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development.

Ito ay sa tulong ng mga tutor at youth development workers sa iba’t ibang rehiyon dito sa ating bansa.

Ayon sa ahensya, sa bawat sesyon daw na kanilang inilulunsad ay binibigyang diin nila ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga bata sa pagbabasa.

Bukod dito, ginagabayan din nila maging ang mga magulang nito pagdating naman sa usapin ng pag tamang pag-aalaga at paggabay sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa tulong naman ng mga key partners at komunidad, mas marami pa raw ang mga kabataan at pamilya ang natutulungan upang maitaguyod ang mas maganda at malinaw na kinabukasan ng naturang mga kabataan.