Naglabas ngayon ang Malakanyang ng memorandum circular mula sa office of the Executive Secretary para sa pagsuspinde sa implementing rules and regulations o IRR ng Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Ang memorandum ay batay sa kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos jr na suspendehin muna ito pending futher study o habang patuloy na pinag aaralan.
Nais din ng chief executive na malinaw na mailatag muna ang mga safeguard para maging bukas ito o transparent at magkaroon ng pananagutan o accountability.
Ang nasabing memorandum ay ipinarating ni Executive Secretary Lucas Bersamin para kay Bureau of Treasury Officer-in-Charge Sharon Amanza, President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz ng Land Bank of the Philippines (LBP), at President and Chief Executive Officer Michael de Jesus ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Ang memorandum ay pirmado ni Bersamin na may petsang october 12.