-- Advertisements --
IMG20230518111111

Ngayong araw ay nilagdaan ang Implementing Rules and Regulation ng RA 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act kasama sina DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at Co-chair DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Layunin ng batas na ito na mas paigtingin pa ang proteksyon sa mga kabataan laban sa pang aabuso at pananamantala online.

Ayon sa alliance Child Rights Network, ang launching na ito ay maituturing na milestone sa bansa dahil malaki ang magiging epekto nito hindi lamang sa mga kabataan kundi sa buong komunidad.

Sinabi naman ni Justice Secretary Remulla na ang pagbibigay proteksyon sa mga kabataan ay isang responsibilidad.

Samantala, sa panig naman ng Department of Social Welfare and Development, ang kanilang role sa implementasyon nitong batas ay ang pagbibigay ng sapat na kaalaman sa tao lalong lalo na sa mga kabataan.

Dagdag pa rito ay ang mabigyang tuon ang epekto nito sa social at mental health ng isang bata.

Ipinunto pa ni Secretary Gatchalian, ang pinakamalubhang epekto sakaling hindi maging maayos ang paghandle o intervention ng ahensya sa issue na kinakaharap ng isang bata.

Sakop ng implementing rules and regulation na ito ang duties at responsibilities ng private sector, lalong lalo na ang mga internet providers.

Ang implementasyon nito raw ay daan tungo sa mas ligtas at secured na hinaharap para mga kabataang Pilipino.