-- Advertisements --
Remulla says won't resign; hands off on resolution on son's drug rap |  Philstar.com

Buo ang paniniwala ni Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla na malaki ang maitutulong ng sim card registration law sa laban ng bansa kontra online sexual abuse and child exploitation.

Dahil dito, pinapamadali na ni Remulla sa Kongreso ang pagbalangkas ng Implementing Rules and Regulation (IRR) ng nasabing batas para aniya agad itong maipatupad.

Paliwanag ng kalihim, patuloy pa rin kasi ang pananamantala ng mga masa likod ng online sexual abuse sa paggamit ng mga prepaid cards dahilan kaya hindi mahabil ng otoridad ang mga suspek.

Sa oras aniya na maipatupad na ang sim card registration law ay mas magiging madali nang makilala kung sino ang nasa likod ng mga malalaswang gawain.

Nag-ugat ang pahayag ni Remulla matapos ang pakikipag-usap nito kay United Nations (UN) Special Rapporteur on the sale and sexual exploitation of children Mama Fatima Singhateh.