-- Advertisements --

Pinagtanggol ni Juan Ponce Enrile, ang Chief Presidential Legal Counsel, ang kanyang mga naunang pahayag na nagtatanong sa mga implikasyon ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) na ginanap noong Enero 14, 2025. Habang inamin nito na ang naturang rally ay tahimik, ngunit ipinahayag nito ang mga alalahanin tungkol sa layunin ng INC, partikular ang usapin sa politika.

Nagtanong siya kung may mga lehitimong concerns ang nais ipaabot ng naturang rally, na tila ang layunin umano ay politika at hindi isang tawag para sa kapayapaan.

Bagama’t aminadong maganda ang pagorganisa ng rally, ngunit maihahalintulad aniya ang rally sa isang politikal na hakbang upang impluwensyahan ang mga ahensya ng gobyerno, na maaaring makasagabal sa kakayahan nitong magampanan ang mga konstitusyonal nitong tungkulin.

Sa kanyang mga naunang pahayag, ipinahag ni Enrile ang mga alalahanin tungkol sa pagsuporta ng INC sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag ituloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Tanong pa ng Chief Pres. Legal Counsel kung dapat bang payagan ang INC, bilang isang relihiyong grupo, na impluwensyahan ang mga proseso ng konstitusyon tulad ng impeachment at kung ito ba ay magpapahina sa pagpapairal ng rule of law.

Gayunpaman, iginiit ng INC na ang rally ay hindi politikal. Binigyang-diin ni Edwil Zabala, ang tagapagsalita ng INC, na ang naisagawang rally ay isang moral na panawagan sa mga opisyal ng gobyerno at hindi isang politikal na hakbang.