-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 08 18 51 41
Senator Drilon

Aminado ang may akda ng National ID System sa Senado na may marami pa rin ang may agam-agam kasabay ng nakatakdang pilot test ng proyekto ngayong taon.

Sinabi ni Senate Minority leader Franklin Drilon na walang dapat ikabahala ang publiko dahil matibay ang mga probisyon na nakapaloob sa batas na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa implementasyon nito.

“The law has enough safeguards to protect the sanctity of the individual’s information and protect their right to privacy.”

“It protects against unlawful disclosure of information and punishes those who will subvert the system for unlawful ends.”

Sa ilalim daw ng National ID System Act nakasaad ang ilang safeguards na magpo-protekta sa mga sensitibo at pribadong impormasyon ng mga magpapa-rehistro.

May probisyon din umano ang batas para mabalanse ang paggamit ng mga ahensya sa impormasyong laman ng ID at pagbibigay protekson sa privacy ng may-ari.

Ani Drilon may feature na Common Reference Number ang National ID na siyang magdadala ng basic information ng isang Pilipino gaya ng buong pangalan, address, birthday at iba pa.

Magagamit daw ito para sa mga transaksyon sa gobyerno at mga pribadong bangko.

“Today, you open a wallet and you will find a driver’s license, a voter’s ID, an SSS/GSIS ID, Philhealth ID, Tax Identification Number card, among others. Once the National ID is distributed to every single Filipino here and abroad, transactions will be made easier and faster.”