Sinuspinde na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.
Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang pantao, at ang pandaigdigang tuntunin ng batas.
Sa isang statement, nilinaw ng kumpanya na magpapatuloy sila sa pagsu-supply ng kanilang everyday essential food at hygiene products na gawa sa Russia sa mga tao sa bansa, habang isinasailalim ito sa mahigpit na pagsusuri.
Habang ang operasyon naman nito sa Ukraine at kasalukuyang itinigil upang tutukan anila ang pagtitiyak sa kaligtasan ng kanilang mga empleyadong Ukrainians at kanilang mga pamilya.
Nakiisa rin ang Unilever sa pagtulong sa paglikas sa mga kinakailangang ilikas, at pag-aabot ng dagdag na tulong pininsyal sa mga apektado ng naturang kaguluhan.