-- Advertisements --

Aabot sa 1,520 na mga palahiang kambing at nasa 4,310 tupa ang nakatakdang angkatin ng Pilipinas matapos na aprubahan ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang hakbang na ito ay naglalayong gawing mahusay ang lokal na populasyon ng Kambing at Tupa sa bansa partikular na sa bahagi ng Mindanao.

Makatutulong rin ito sa pagpaparami ng mga lahi nito bilang bahagi ng effort ng DA na palakasin ang sektor sa pag-aalaga ng kambing at tupa sa Pilipinas.

Ang mga kambing na aangkatin ay ilalagak sa mga farm sa Barili, Cebu at maging sa Makilala, North Cotabato.

Ayon kay Laurel, ang mga aankating tupa ay nakatakda namang i distribute sa bahagi ng North Cotabato.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng DA ang pagsasagawa ng bidding para sa inaprubahang pang-aangkat ng nasabing mga uri ng hayop.

Top