Hindi umano mabibigyang solusyon ng importation ang mataas na presyo ng sibuyas sa merkado hangga’t laganap parin ang mga hoarders at cartel sa bansa.
Kung maaalala nga ay nagkaroon ng motu proprio inquiry ang Committee on Agriculture and Food patungkol sa price manipulation ng agricultural commodities lalong lalo na ang sibuyas.
Sa nangyaring motu propio ay tinanong ng mga mambabatas ang Department of Agriculture kung bakit noong Enero hanggang Marso ay walang importasyon na naganap.
Sagot naman ng ahensya na bagamat nag sumite sila ng rekomendasyon para sa Certificate of Necessity to import ay hindi raw ito nasunod.
Ayon naman kay Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas, ang kailangang gawin raw ay bigyan ng subsidiya ang mga magsasaka.
Dagdag pa niya, kailangan ring palakasin ang onion industry.
Sa ngayon nga ay bahagyang tumataas nanaman ang presyo ng sibuyas sa ilang mga pampublikong pamilihan kumpara noong nakaraang linggo.
Hindi bababa sa 20 pesos ang itinaas nito kaya umaabot na sa P200 ang sibuyas kada kilo.
Dahil sa naka ambang pag taas sinabi ng ilang mambabatas sa naganap na motu prioprio inquiry na sakaling umabot nanaman sa 600 hanggang 700 pesos ang kilo nito ay dapat na magbitiw na sa pwesto ang mga opisyal ng Department of Agriculture dahil iisa lamang ang ibig sabihin nito, hindi ginagampanan ng mga opisyal ang kanilang trabaho.