-- Advertisements --

Wala umanong epekto sa mga presyo ng pangunahing bilihin sa bansa ang ipinapatupad na importation ban ng Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga pork products na galing sa mga bansang apektado ng African swine fever.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarket Association president Steven Cua, malayong makaapekto ito dahil sa mangilan-ngilan lamang ang mga produkto na apektado.

Inabisuhan na rin nila ang kanilang mga miyembro sa mga produktong ipinagbabawal na mga canned goods.

Magugunitang kamakailan ay pinalawig ng FDA ang memorandum order ng Department of Agriculture (DA) ang importation ban sa mga pork products na apektado ng African swine fever sa mga bansa gaya ng China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia, Ukraine, Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.