Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na tinutugis na ng mga otoridad ang private importers ng basurang galing Canada.
Ayon kay Guevarra, isusulong kasi ng gobyerno ang kasong kriminal laban sa naturang importers.
Kinumpirma rin ni Guevarra na ipapasagot ng pamahalaan sa Philippine importers ang storage fees, demurrage at iba pang land charges sa basura.
Ngayon araw aalis sa Pilipinas ang barkong magbabalik sa Vancouver, Canada ng naturang mga basura.
Kinumpirma rin ni Guevarra na magkakaroon ng stop over sa pantalan sa China ang nasabing barko at nagbigay naman aniya ng clearance ang Tsina para sa naturang transshipment.
Sinagot din ng Canada ang reshipment ng basura na aabot sa P10 million.
Sisimulang ikarga sa barko ang mga container vans dakong alas-3:00 o alas-4:00 mamayang hapon at pagkatapos nito ay agad nang ibibiyahe ang mga basura.