-- Advertisements --

Arestado ang isang 42 taong gulang na lalaki matapos na magpanggap bilang si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Morong Mendoza na mula pa sa San Mateo, Rizal.

Ang siste ng suspek, maniningil ito ng malaking halaga ng pera sa mga operators para makuha nito ang kaniolang units na na-impound dahil sa pagiging colorum ng mga ito.

Ayon sa mga otoridad, nadakip ang suspek sa isang operasyon na pinangunahan ng Intelligence Agents ng LTO katuwang ang mga operatiba mula sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa isang terminal habang huli sa akto na tintanggap ang pera mula sa isang opertator.

Samantala, nauna na dito ay napagalaman na ni Mendoza ang ginagawang ito ng impostor nang magsumbong ang ilang mga operators sa kaniyang tanggapan.

Kasalukuyan namang inihhanda na ang patong-patong na mga kasong isasampa laban sa kaniya.