-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isang malakas na uri ng improvised explosive device (IED) ang na-difuse ng militar sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade, habang naghuhugas ng pinggan si Bryan Badal na isang Cafgu sa ilalim ng 38th Infantry Battalion Philippine Army sa gilid ng ilog sa Sitio Butalo, Brgy Sambalawan, Datu Salibo, Maguindanao ay nakita nito ang isang plastic container na naglalaman ng bomba.

Agad na nagresponde ang pulisya at militar kasama ang mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army.

Agad na-difuse ang bomba ng EOD team at sinasabing gawa sa mga pako, pulbura, blasting cap at cellphone bilang triggering mechanism.

Marami naman ang naniniwala na posibleng kagagawan daw ito ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa ngayon hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao dahil sa banta nang pambobomba ng BIFF.