Inanunsiyo ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na papayagan nila ang in-person Christmas parties sa mga lugar na nasa ilalim ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Alert Level 2.
Pero ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, dapat ay mahigpit pa ring sundin ang health protocos at 50 percent venue capacity.
Karagdagang 10 percent capacity naman daw ang puwede para sa mga mayroon safety seal pero susundin pa rin ang minimum public health standards gaya ng paggamit ng face mask, social distancing.
Nagbabala naman si Malaya sa mga establisimiyentong hindi susunod sa naturang mga protocols na sususpendehin nila ang business permits ng mga ito.
Kung maalala ang Metro Manila ay nasa ilalim ngayon ng Alert Level 2 hanggang December 15.
Sa ilalim ng Alert Level 2 na siyang ikalawang pinakamababang COVID-19 alert level system ang aktibidad ng ilang establishments ay papayagang magbukas ng 50 percent indoor capacity para sa mga fully vaccinated adults at 70 percent capacity para sa outdoor events.