Wala pa raw katiyakan kung magkakaroon na ng in-person classes sa collegiate level sa mga lugar na mababa na ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Commission on Higher Education (CHEd) Chairperson Prospero de Vera, Jr., mababa pa rin daw kasi ang COVID-19 vaccination coverage sa mga estudyante,
Paliwanag ni De Vera, nasa 27 percent lamang daw ang vaccination coverage ng mga college students.
Dahil dito, hindi raw puwedeng isugal ang kalagayan ng mga estudyante kapag mababa pa ang coverage ng mga mababakunahang estudyante sa kolehiyo.
Bago ang in-person classes ay dapat daw magkaroon ng 70 hanggang 95 percent vaccine coverage ang mga estudyante.
Dagdag ng CHEd chairperson na ang mga lugar na mayroong low risk sa COVID-19 infection ay magkaroon ng high vaccination coverage sa estudyante at faculty members bago ikonsidera ang pagbubukas ng in-person classes.