KORONADAL CITY – Pansamantalang sinuspende ang Face-to-face Classes sa mga paaralan sa bayan ng Ned, Lake Sebu, South Cotabato dahil sa naransang malawakang baha at landslide dulot ng walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Ito ang inihayag ni Mr. Esteban Alvarez, District Head ng Deped-Lake Sebu 4 District sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Alvarez, ipinatupad nila ang suspension lalo na sa Kibang National High School na nangungunang apektado ng flash flood dahil sa pag-apaw ng tubig-baha sa Sungan River sa bahagi ng Brgy.Kibang na siyang daanan rin ng mga estudyante papuntang paaralan.
Ito ay kasunod rin ng pag-apaw ng tubig-baha na nagresulta sa pagkamatay ng dating PTA president at pagkasugat naman ng isa pa
Kasabay nito, mahigpit naman na itinanggi ng Deped na may namatay na guro dahil sa baha.
Matatandaan na nasa mahigit 400 mga pamilya ang naging apektado ng baha habang nakapagtala naman ng landslide sa Lamdalag kung saan apektado ang 9 na mga Sitio.