-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Department of Education (DepEd) Bicol na maaring mga paaralan lamang na may limited face-to-face class na ang maibabalik ang in person graduation sa pagtatapos ng kasalukuyang school year.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DepEd Bicol Director Gilbert Sadsad, marami kasi umanong dapat na isaalang-alang sa pagbabalik ng in-person graduation kabilang na ang pagsunod sa mga ipinatutupad pang health protocols, pagpayag ng nakakasakop na LGUs, pahintulot ng mga magulang at mababang kaso ng COVID-19 sa isang lugar.

Ang mga panuntunang ito ang natupad na sa mga paaralang nakabalik na ngayon sa limited face-to-face class kung kaya maaring sila rin ang makapagsagawa ng in person graduation.

Nilinaw naman ng opisyal na sang ayon sila sa pagsasagawa ng in person graduation subalit nag-aantay pa rin sa ngayon sa pormal na kautusan na ipapalabas ng DepEd.

Nabatid na nakatakdang magtapos ang kasalukuyang school year sa huling linggo ng Hunyo hanggang sa Hulyo.