Pinag-aaralan ng pamahalaan na magsagawa na rin ng pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa mga mag-aaral sa mga paaralan sa elementarya at sekondarya.
Ito ay para mapataas ang vaccination coverage na nakikitang makakatulong sa muling pagbabalik ng face to face classes.
Inihalimbawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang ginagawang pagbabakuna sa mga estudyante sa ibang diseases gaya ng measles at polio na maaari ding gawin sa mga school clinics para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa basic learners edad 5 hanggang 11 anyos.
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng direktiba si Vaccine czar Carlito Galvez para gawing available ang mga bakuna para sa lahat ng paarlan ayon kay presidential adviser on COVID-19 response Vince Dizon.
Aniya, mayroong nakapondong suplay ng bakuna na 10 million doses para sa pediatric age population na madaling maipapamahagi sa lahat ng eskwelahan.
Ang naturang panukala para sa in-school vaccination ay pinalutang ng opisyal matapos na iulat ni Education Secretary Leonor Briones na tanging 5.47% ng pribadong paaralan sa bansa ang nagsasagawa ng limited in person classes.