Arestado sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang ina at isang hilot matapos naaktuhang nagbebenta ng bagong silang na sanggol sa halagang P25,000.
Ang arestado na ina ng sanggol ay si Edelyn Pendon, 29, at ang hilot ay si Ana Agustin Montalbo, 53, na subject ng entrapment operation, pawang mga residente ng Zone 6, Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City kung saan nangyari ang operasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PMaj Jess Baylon, chief ng Criminal Investigation and Detection Group- Iloilo City Field Unit, sinabi nito na matagal na nilang vina-validate ang impormasyon na may nangyayaring bentahan ng sanggol sa Iloilo City.
Ayon kay Baylon, ang pagkakahuli sa dalawa ay kumpirrmasyon ng may nagaganap na katulad na modus sa lungsod.
Kasong paglabag sa Repulbic Act 9208 o Anti- Trafficking in Person Act of 2003 ang kakaharapin ng mga arestado.
Sinabi pa ni Baylon na maliban sa pagbebenta ng sanggol, isa rin umanong notoryus ng aborsyonista ang nasabing hilot.