-- Advertisements --
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa Bulacan sa naganap na massacre kung saan isang ina at dalawang anak nito ang natagpuang patay sa kanilang bahay.
Kinilala ang biktimang si Jaymee Casabuena, 28-anyos at anak nitong may eda 8 at 5 taon ng Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.
Nadiskubre ang insidente matapos ng sunduin sila ng ama ni Casabuena dahil susunduin nila ang ina nito.
Laking gulat ng ama ng biktima ng makitang wala ng buhay ang anak nitong babae at dalawang apo.
Inaalam pang mabuti ng mga kapulisan ang posibleng suspek sa naganap na insidente.