-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Brutal na kamatayan ang kumitil sa mag-iina sa Sitio Looc, Brgy. Luna, Surigao City, Surigao del Norte matapos silang pagtatagain sa loob mismo ng kanilang bahay kanina ng ‘di pa kilalang responsable.

Nakilala ang mga biktimang sina Mylene Golloso Virgen, 40-anyos, may asawa at mga anak nitong lalaki na may edad nag 13- anyos at babaeng may edad na 9 anyos.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Surigao City Police Station, nadiskubre ang sinapit ng mga biktima sa pamamagitan ng 16-anyos ring anak ng ginang.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang makilala na ang responsable at ang motibo ng kremin.

Napag-lamang wala sa kanilang bahay ang padre de pamilya dahil nagtrabaho ito sa isang mining company.