-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Temporaryong nakalabas ng piitan ang ina at kapatid ng kontrobersyal na alkalde ng Claveria Misamis Oriental matapos makapagpiyansa ng tig- P120,000 sa korte kahapon.

Ito ang kinumpirma ni Claveria Mayor Mariluna Salvaleon Abrogar sa Bombo Radyo.

Aniya, nagpapahinga sa kanilang tahanan ang kanyang ina na si Gertrudes at kapatid na si Reagan Salvaleon matapos makulong dahil sa kasong isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group.

Inamin ng alkalde na nasaktan ang kanilang pamilya sa ginawang pang-aakusa ng CIDG-10 lalo na’t pinabulaanan nito ang isyung ginamit nilang private armies ang CAFGU members at 58IB,Philippine Army na nakadetail sa nasabing bayan.

Umiwas rin ang alkalde sa pagbibigay komento kung magsasampa ito ng kaso laban sa mga operatiba.