-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang singer na si Mariah Carey matapos na mamatay sa iisang araw ang ina nitong si Patricia at kapatid na babaeng si Alison.

Hindi naman na binanggit pa ng singer ang sanhi ng kamatayan ng mga ito.

Dagdag pa ng singer na nagpapasalamat na lamang siya dahil sa nakasama niya ang ina ilang araw bago ang pagpanaw nito.

Mula noon ay hindi maganda ang relasyon ng singer sa ina at maging ang kaniyang estranged sister dahil sa ilang alegasyon umano ng pang-aabuso.