ROXAS CITY – Patay ang 45-anyos na ina matapos diumano gahasain at patayin sa Sitio Barosbos, Barangay Lonoy, bayan ng Sapian sa Capiz.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Barangay Kapitan Pancho Orario, sinabi nito na naghahanap ng gulay na abalong para sa kanilang ulam ang mag-ina.
Naghiwalay lamang ang dalawa matapos nagpaalam ang anak na babae ng biktima na kukuha ng sampalok na kabilang sa sangkap sa kanilang ulam.
Nagtaka ang anak ng hindi madatnan sa kanilang bahay ang ina kaya binalikan nito ang lugar, ngunit halos madurog ang puso ng makitang wala ng buhay ang ina na duguan ang mukha na pinagtataga at may malaking sugat sa leeg.
Malaki rin ang posibilidad na ginahasa muna ang biktima bago pinatay ng suspek.
Sa ngayon nasa isang punerarya na ang bangkay ng biktima at nakatakdang isailalim sa post mortem examination.