ROXAS CITY – Nagtamo ng paso sa kamay at balikat ang 43-anyos na ginang matapos balikan sa nasusunog na bahay ang anak na isang PWD sa Barangay Culasi, Roxas City.
Totally burned ang bahay ni Jane Candelario sa Sitio Luyo, Barangay Culasi matapos masunog.
Naglalaba sa labas ng bahay ang biktima ng makita ang apoy sa loob ng kanilang silid.
Ayon kay Candelario na hindi niya alintana ang takot ng pumasok sa nasusunog na bahay, dahil ang nasa isip niya ay mailigtas ang anak na nasa duyan.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay walang kagamitan at kahit damit na naisalba ang mag-anak na Candelario.
Nanawagan naman ng tulong sa Roxas City government ang pamilya Candelario dahil wala silang matutuluyan at walang maisusuot na damit ang kanyang mga anak matapos nasunog ang lahat ng kanilang kagamitan.