-- Advertisements --
SUSPECT

ILOILO CITY – Kritikal ang isang ina matapos tinaga ng sariling anak sa Barangay Quipot, Janiuay, Iloilo.

Ang biktima ay si Florentina Consumo, 59 at residente ng nasabing barangay.

Ang suspek naman ay si Ronald Consumo, pinaniniwalaang mayroong nervous breakdown.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Maj. Eleazar Climacosa, hepe ng Janiuay Municipal Police Station, sinabi nito na bigla nalang tinaga ng anak ang kanyang ina gamit ang itak na tinamaan sa kanyang ulo at braso.

Maliban sa itak ,nakumpiska rin ng otoridad ang dalawang 12-gauge shotgun sa suspek.