-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naka-hospital arrest na ngayon ang isang ginang na iltinurong sya mismo umanong nagtapon sa kanyang bagong silang na sanggol sa damuhang bahagi malapit sa sementeryo ng Brgy. Poblacion, Bayugan City, Agusan del Sur kungsaan nakita itong isinilid sa sako na wala ng buhay at nabali na ang leeg.

Ito’y matapos mai-serve sa loob mismo ng Democrito O Plaza Memorial Hospital, sa Brgy. Patin-ay, sa bayan ng Prosperidad, ang warrant of arrest laban sa 38-anyos na ginang na itinago lang sa pangalang ‘Milagros’ na na-ospital dahil sa iniindang karamdaman.

Base sa impormasyon, nahaharap ngayon ang ina ng kasong infanticide kungsaan isinagawa ang inquest investigation ng mga imbestigador ng City Prosecutor’s Office.