CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang ina at sugatan ang kanyang dalawang anak sa pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang nasawi na si Rosita Kenendi,21 anyos at sugatan ang dalawa niyang menor de edad na anak,mga residente ng Barangay Tuayan Datu Hoffer Ampatuan Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na sumabog ang isang mortar projectile sa harap ng tahanan ng mga biktima.
Dahil sa lakas ng pagsabog sentrong tinamaan si Rosita at agad binawian ng buhay.
Sugatan naman ang kanyang dalawang anak na dinala ng kanyang mga kamag-anak sa Maguindanao Provincial Hospital at nasa ligtas ng kalagayan.
Bago ang pagsabog ay nagkasagupa ang militar at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Datu Hoffer.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Datu Hoffer PNP sa naturang pangyayari.