-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang actress na si Angelica Panganiban dahil sa pagpanaw ng kaniyang inang si Annabelle.

Sa social media account ng actress ay nagpost ito ng larawan na kasama ang 61-anyos na ina.

Hindi nagbigay ng ibang detalye pa ang actress ukol sa pagpanaw ng ina.

Nakaburol aniya ito sa Aeterintas Chapel and Columbarium sa lungsod ng Quezon.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kasamahan sa industrya ng actress matapos ang paglabas ng nasabing balita.