Nagluluksa ngayon ang American rapper na si Eminem dahil sa pagpanaw ng kaniyang ina nasi Debbie Nelson sa edad na 69.
Kinumpirma ito ng longtime representative ng rapper na si Dennis Dennehy subalit hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ng kamatayan nito.
Isinilang si Nelson noong 1955 sa military base sa Kansas kugn saan hindi naging maganda ang relasyon ng kaniyang anak.
Mula kasi noong sumikat ang anak na si Marshall Mathers III sa tunay na buhay ay kasama ring nahalungkat sa publiko ang hindi magandang relasyon nilang mag-ina.
Sa mga kanta ng rapper ay hindi naiiwan o nagiging inspirasyon ang kaniyang ina gaya sa “Cleaning Out My Closet” kung saan sa lyrics nito ay mababasa na may nakitang pills mula na pag-aari ng ina.
Maging ang Oscar winning hit nito na “Lose Yourself” ay tila patama din sa ina tungkol sa paborito nitong damit na spaghetti.
Taong 2008 ng nagresulta pa sa pagsampa ng kaso ng ina sa sariling anak dahil sa defamation hanggang makalipas ang ilang taon ay ibinasura din matapos na sila ay magkapatawaran.