BUTUAN CITY – Sasampahan ng kasong infanticide ng pulisya sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur ang 18-anyos na ina ng sanggol ng natamaan ng itak sa ulo matapos mapagkamalang tiyanak.
Ayon kay PCaptain Jomar Gacosta, hepe Loreto Municipal Police Station, death certificate na lamang ang kanilang inantay upang masampahan na ng kaso ang ina ng pre-mature na sanggol na residente ng Sitio Aurora, ng Brgy. Johnson.
Matatandaang una nang kumalat ang balitang tinaga ang biktima matapos mapagkamalang tiyanak nang marinig ang iyak nito sa tapat ng isang palikuran.
Naganap ito nitong Disyembre a-9 ng gabi ngunit umamin ang suspek sa kanyang ina, sa Disyembre a-13 na.
Ang lolo umano ng bata ang nakarinig sa iyak nang sanggol kung kaya’t hinanap niya ang pinanggagalingan nito kungsan nakabuntot naman sa kanyang likuran ang ina ng bata na syang nagsabing tiyanak ito sabay tapon sa itak na tumama sa ulo ng bata sanhi ng kanyang pagkamatay kina-umagahan.