CEBU CITY – Nanawagan ang ina ng Choing sisters na si Thelma Chiong na magbitiw na sa pwesto si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon.
Ito’y kaugnay nang isinagawang Senate inquiry sa pagpapalaya ng BuCor sa mga convicted criminals na nakagawa ng heinous crimes.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Chiong, sinabi nitong meron umanong kumuha kina Josman Aznar, Alberto Caño at Ariel Balansang,, ang tatlo sa pitong pumaslang at humalay sa anak nitong sila si Marijoy at Jacqueline Chiong.
Kumbinsido si Mrs. Chiong na may korapsyon sa loob ng Bucor at may nagbayad sa tatlo sa tinaguriang Chiong 7 para makalabas.
Sa katunayan, nagdududa si Mrs. Chiong na alalay ang tatlo ni Calauan, Laguna Ex-mayor Antonio Sanchez.
Bagama’t taliwas sa unang pahayag ni Mrs. Chiong sa Bombo Radyo Cebu, ikinatuwa nito ang isinagawang Senate hearing ngunit hinamon pa rin nito ang gobyerno na gagawa ng paraan kung paano makabalik sa bilanggoan ang mga naturang ‘convicted criminals.