Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kanilang kustodiya na rin ang ina ng Maute brothers na si Ominta maute alyas Farhana.
Ayon kay BJMP Jail Director Serafin Barreto, ito ay epektibo simula ala-1:00 ng madaling araw noong June 13.
Ang Maute matriarch ay nahuli ng mga autoridad sa Masiu, Lanao del Sur, noong isang linggo.
Inamin umano ni Farhana sa tactical interrogation ng militar na siya ay nasa lugar dahil doon niya inilibing ang bangkay ng kanyang dalawang anak na sina Omar at Abdullah Maute, na silang founding leaders ng teroristang group.
Pero ang impormasyong ito ay kasalukuyang pang bineberipika ng military intelligence.
Nauna rito, ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute ay naharang din sa isang checkpoint sa Toril, Davao, noong June 6.
Si Cayamora ay dinala sa Maynila noong June 8 para isailalim sa kustodiya ng BJMP.