Hinatulang makulong ng 40 taon ang ina ng dalawang Maute members.
Si Ominta Romato ay ina nina Omar at Abdullah Maute.
Sa 39-pahinang desisyon na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 266 na napatunayang guility ito sa paglabag sa Section 4 ng Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
May pagkakakulong ito ng 17 taon, apat na buwan at isang araw hanggang reclusion perpetua o 40 taon na pagkakakulong.
Pinagbabayad din siya sa korte ng P500,000 bilang damyos.
Nakita ng piskalya na pinagamit nito ang kaniyang ari-arian para isagawa ang terorismo.
Taong 2017 ng maaresto sito sa Lanao del Sur kasama ang ilang mga Maute members.
Nakita ang ilang mga improvised explosive device sa inabandonang sasakyan malapit sa checkpoint at ng tignan ang dokumento ay nakarehistro sa pangalan ng nakakatandang Maute.
Noong ito ay maaresto ay inamin niyang na naging utak ang kaniyang dalawang anak sa pag-atake sa Marawi maging ang limang anak nito ay sumali sa terorist group.
Magugunitang noong Mayo 23, 2017 ng atakihin ng Maute group ang Marawi City na umabot sa limang buwan ang labanan at nagresulta sa pagkasawi ng ilang libong katao.