-- Advertisements --

Nakita na ni Lyudmila Navalnaya ang bangkay ng anak nito ng si Alexei Navalny na namatay umano habang nakakulong sa Russia.

Personal kasi nagtungo ang ina nito sa bayan ng Salekhard matapos na magmatigas ang mga otoridad ng Russia na sabihin ang dahilan ng pagkamatay ng anak nito.

Binantaan umano ito ng mga otoridad sa Russia kung saan sila pa ang pipili kung saan ibuburol at ililbing ang anak.

Dagdag pa nito na nais umano ng Russian Investigative Committee ang nag-iimbestiga sa pagkamatay ng anak na sekreto na ito ilibing.

Giit ng ina nito hindi niya gusto ang magkaroon pa ng sekretong libing at nais niya ng normal na libing na naaayon sa batas.

Magugunitang pumanaw sa Russian penal colony si Navalny kung saan hindi binanggit ang sanhi ng kamatayan nito.

Kinondina ng maraming mga bansa ang pagkasawi ng Russian oppoistion lider at itinuro si President Vladimir Putin na nasa likod ng nasabing insidente.