-- Advertisements --
Isinugod sa Adventist Hospital sa Pasay City ang ina ni Allan Gomez na si Iluminada Gomez, matapos sumama ang pakiramdam habang dumadalo sa Senate inquiry.
Nabatid na dumalo sa hearing ang ginang para sa isyu ng muntik na pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Si Sanchez ang sinasabing utak sa pambubugbog at pagpatay kay Allan at panghahalay naman sa kasamahan nitong Eileen Sarmenta noong 1993.
Batay sa pahayag ng source ng Bombo Radyo, tumaas ang blood pressure ni Mrs. Gomez, matapos mapakinggan ang Senate proceedings ukol sa sitwasyon sa national penitentiary.
Kinumpirma rin naman ito ng chairman ng Senate blue ribbon committee na si Sen. Richard Gordon.